October 15, 2009. Thursday.
Merong kakaiba sa araw na ito. Hindi dahil sa kaba na mararamdaman mo kapag natawag ang pangalan mo kapag shinuffle and mahihiwagang index cards, hindi rin ang takot na mahuli ka sa paghihikab, ang mahuli kang makipagdaldalan sa katabi mo na maging dahilan para magwalk-out sya. (minsan ko ng nagawa yun, ng daldalin ko ang katabi ko dahil sa birthdate nya.) pero ang dahilan ng pagiging kakaiba ng araw na ito? eto na ang huling araw na mararamdaman ko ang kakulitan nya, ang mga jokes nya na minsan ay hindi namin alam na joke na pala, baliktad ang paguutak naming mga magkaklase eh. tatawa kami kapag di sya nagjojoke tapos kapag nagjojoke sya.. di naman namin nagegets. uncivilized people nga daw kami ayon sa kanya. hindi na namin mararamdaman ang kaba sa bawat pagbalasa ng index cards, ang mga salitang katulad ng certiorari, mandamus, habeas corpus at kung anu-anu pang terminolohiya na meron sa Philipinne Constitution. Ang mga words of wisdom nya, ang mga kwento nya.. mamimiss namin ang lahat sa kanya.
Sa katunayan.. yung huling araw ng klase namin yun? kaunting discussion lang sa judicial branch kasi tapos na kami eh.. marami pang natirang oras.. at yung 40 mins na yun? binasa nya sa amin ang tatlong pahina sa libro ni bob ong.. hindi pa nga nya naalis sa supot ng national bookstore yun eh. marahil ay bagong bili. nabasa ko na yung librong yun.. pero iba yung dating nun sya na ang nagbasa.. may kakaibang kirot at pagdadalamhati ang naramdaman namin.. muntik na kaming maiyak pero nagpipigil na lamang..
Naalala ko nung minsang nagshuffle ng mahiwagang index card at natawag ang katropa ko.. hindi sya nakasagot.. tiananong nya ang kaibigan ko kung nagbasa ba sya, ang sagot ng kaibigan ko ay "oo, ngunit hindi nya naintindihan.." Nagalit sya ng bonggang-bongga. ramdam na ramdam ko ang galit nya dahil nasa unahan ako. kami ng mga seatmates ko ay nanginginig na at hindi makatingin sa kanya. Ang sabi nya sa amin.. "Kung hindi nyo maintindihan ay ulitin nyon ng ulitin hanggang sa maintindihan nyo. Hindi kayo hihinto dahil sa hindi nyo naiintindihan. Maraming tao ang gustong makaupo sa pwestong kinalalagyan nyo ngayon kaya pangalagaan nyo."
Madami na syang sinabi.. meron pa nung wake ni Pres.Cory.. sabi nya.. "Yellow is not just for Pres. Cory but it's the representation of thirst of the Filipinos for a clean government. Be a part of history let it be your personal advocacy."
Sa tuwing naaalala ko lahat ng mga tuesdays and thursdays.. di ko maiwasan malungkot.. marahil ay sya ang naging isa sa mga inspirasyon ko na kahit mahirap kinakaya ko kasi yun ang palagi nyang sinasabi sa amin.. Kayanin mo.. matuto ka.. bumangon ka..
Kung merong Tuesdays with Morrie si Paulo Coelho, ako naman ay merong Tuesdays and Thursdays with Atty. Reynaldo "BONG" Lopez.. pero ayaw ko man eh it has to end there. huli nyang words of wisdom.. para sa finals.. "Kung bumagsak ka man, wag kang malulungkot dahil hindi naman ibig sabihin nun ay hindi mo na kaya, hindi mo lang sinubukan na gawin ang nararapat para ma-meet mo ang standards.
Ayan si BongLo. Maswerte ang mga studyanteng dumaan sa pagtuturo nya dahil hindi lamang sa kaalaman tungkol sa Philippine constitution.. may mga lessons in life din and daily inspirational quotes.. package yun.. =) di ko talaga maiwasan hindi malungkot mejo naluha pa nga ako ng maisip ko na maaaring wala ng second chance para maging prof ule sya.
Unforgettable memory talaga. If time would just allow us para makasama pa sya we would really do anything we can.
But for now, a sincere gratitude is all that we can offer.. BongLo. salamat for molding us into a better individual. =) sana pag naging future lawyers man kami.. we could meet again. ;)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment